Monday, April 13, 2015

Space...

Space...
Binubuo lamang ng limang letra pero marami ang ibig sabihin..

Tingin mo bakit sa keyboard ang "Space" yung pinaka malaki? Coincidence ba yun?
Siguro dahil ang space ang naghihiwalay sa bawat salita...at kalimitang ginagamit..
Hindi ka makakabuo ng isang sentence kung walang space..

At ito yung pinaka malimit mong makikita sa paligid natin..kasi lahat ng bagay ay my space.. magkahiwalay..
Bakit magkahiwalay? dahil sa free will..
Oo, sa free will natin...para may pagkakataon tayo na magdecide sa mga simpleng bagay..gaya ng kung kailan tayo kakain at iinom ng tubig..kung kailan ka uupo at tatayo...
At syempre sa mas seryosong bagay gaya ng..karapatan natin kung sino ang papapasukin natin sa buhay natin...kung sino ang magiging parte nito..at ano ang magiging papel ng bawat tao sa buhay natin..

Pero sa relationship? Bakit kailangan ng space?
Masakit marinig na kailangan ng space ng dalawang taong nagmamahalan..
Yung nasanay kayo na parang kayo lang ang tao sa mundo..na walang oras na hindi kayo magkausap..
Na yung text nya sa umaga yung unang magpapangiti sayo..at sa gabi yung iloveyou nya yung huling salitang maririnig mo...Yung gusto mo araw araw mo syang nakikita at nakakasama..kasi siya yung nagpapangiti sayo..Yung yakap nya yung nagsisilbing kumot mo sa tuwing nalulungkot ka...
Yung kamay nya yung gusto mong kahawak...kasi nararamdaman mong hindi ka nag-iisa..
Tapos bigla na lang magbabago...at naging magulo..
Siguro kailangan ng space kapag pareho kayong naguguluhan...kapag nagkakasakitan...
Kapag may takot at hindi nyo na maintindihan ang bawat isa...
Yung para hindi kayo makahinga..kasi yung relationship nag iba ng direksyon... yung emotion ng bawat isa magulo...mas malimit na kayong mag away..kaya mas makakabuti na dumistansya kayo sa bawat isa para maging normal ulit kayo..

Marami ang pwedeng mangyari sa space na yun..
Titiisin nyo ang bawat isa...hindi kayo mag-uusap...pakikiramdaman ang mga nararamdaman nyo..
Mag-iisip kayo kung ano ba talaga?
Kakapit ka pa ba o bibitaw na?
Ipaglalaban mo ba o susuko ka na?
Ipapaubaya mo ba sa tadhana?
Kasi naniniwala ka na tadhana ang gagawa ng paraan para mag kalapit ulit kayo..
Tadhana rin kasi ang nagtagpo sa inyo..
Pero yung nagmahalan kayo? Hindi na tadhana yun...sabi nga nila "We fall in love by chance...We stay in love by choice"...

Anu man ang kahihinatnan ng space na yan..
Sana sa huli pareho kayong maging masaya...panatag...
Minsan lang darating ang isang tao sa buhay natin.. yung magmamahal sa atin..tatanggap sa atin...
Mamahalin tayo...maging ang kakulangan at kapintasan natin ay tatanggapin nya dahil walang perfect..




Reviews