Sunday, June 21, 2015

Everything happens for a reason..

Sa loob ng 27 years na pananatili ko sa mundong 'to..
Palagi pa rin sumasagi sa isip ko ano ba ang purpose ko dito? Saan ako patungo...
At sa palagay ko hindi lang ako ang may ganitong katanungan..lahat tayo palagi tayong naghahanap ng sagot sa mga tanong na hindi madaling mabigyan ng kasagutan..
Na tanging si God lang ang nakakaalam..at sa hinaharap mo lang malalaman kaya dapat kang magpatuloy..

Maraming bagay ang mahirap maintindihan..Oo..hindi ko maintindihan..
Mga bagay at pangyayari na hindi ko inaasahan..hindi ko plinano pero nangyari..
Ano ba yun? Tadhana? May ganun nga ba?
Pero may pagkakataon ka namang mamili.. Binigyan naman tayo ng free will di ba?
Nasa kamay natin ang mga gagawin nating desisyon sa buhay..
Isa lang ang sigurado ako..na bawat pangyayari sa buhay natin..masaya o malungkot man..lahat may dahilan..(weh?)

Dahilan?? Reason?? Yan naman sinasabi ng taong tulad ko na hindi alam ang pupuntahan..
Sinasabi ng taong naguguluhan..naliligaw..nasasaktan..naiiwan...
Pag masaya ka ba sasabihin mo ba ang lines na "everything happens for a reason.."
Wala..ganun talaga..minsan kailangan mo rin kasing bigyan ang sarili mo ng hope..
Hope na balang araw magiging maayos ang lahat..kaya dapat kang makontento sa linyang yan..
At isipin na "everything happens for a reason.."

Kailangan kong matanggap ang lahat ng binabato sa akin ng mundong 'to..
Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko at sa taong naniniwala sa akin kung meron man..
Hindi ko man alam saan ako dadalin ng agos ng buhay..kailangan kong magpatuloy...
Kailangan kong magtiwala kay God..dahil siya lang ang hindi magsasawang sumalo at umintidi sa akin..Dadamay sa akin..kasalo ko sa lahat..sa saya at lalo na sa pain..
At muli kailangan kong magtiwala at isipin na "everything happens for a reason.."

Reviews