Ang bilis lumipas ng mga araw..akalain mo na July na...nasa kalagitnaan na naman ng taon..
Kalahating taon na pala akong tambay sa bahay...
Ang daming tao ang iniisip na masarap ang buhay ng isang tambay..kasi chillax lang..walang pagod at stress sa trabaho..
Kung iisa isahin ko.. masarap maging isang tambay siguro dahil....
Hindi ka napapagod..hindi mo kailangang gumising ng maaga para maghanda sa pagpasok sa opisina..hindi mo kailangan makipag-unahan sa bus o jip dahil sa kagustuhan mong makaiwas sa trapik...wala kang boss na magbibigay ng stress sayo..wala kang reports o quota o deadlines na iniisip at kung minsan mag over time ka para sa mga ito at ang ending uuwi ka ng gabi kaya ayan puyat ka..
Kung yung iba masaya sa araw ng sweldo..pwede rin naman malungkot ka kasi hindi mo alam paano pagkakasyahin ang kakarapot mong sweldo...
Ilan lang yan sa mga dahilan bakit minsan gusto mo na lang tumigil sa pagtatrabaho..
Pero ako...namimiss ko na ang magtrabaho...hindi rin madali ang ganitong buhay na tambay lang...
Nakakainip..gigising ka tapos iisipin mo "ano ba ang gagawin ko?"
Nakakaumay...wala pang pera..at higit sa lahat wala ka masyadong matutunan..sa trabaho man o sa pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng tao..kasi nga nasa bahay ka lang..
Sa nakalipas na buwan..saan ba ako naging abala??
sa internet..manuod sa youtube ng mga paborito kong vloggers..
sa facebook..magstatus..mapost ng quotes..mag like ng status at post ng iba...
sa pagbabasa sa iba't ibang blog..artikulo..at kung ano ano pang maisipan kong basahin..
sa COC...oo..ako na! ako na ang adik sa COC..
sa pag gala kasama ang mga kaibigan ko.. thank you sa kanila kasi sila yung nagpapasaya sa akin pag feeling ko down ako.. :)
at syempre tumulong sa bahay kapag sinisipag ako...
Sana magkatrabaho na ako..alam ko naman ibibigay rin ni God yun..i need to be patient at magtiwala.. :)
Ikaw ba? Naranasan mo bang maging tambay? Ano yung pinagkaabalahan mo?