Paano mo ba masasabi na ok na talaga ang isang tao mula sa sakit na dulot ng pag-ibig??
Sakit na dulot ng pag-ibig? Bakit??!
Oo..nakakalungkot talagang isipin na hindi lang saya ang naidudulot ng pag-ibig...dahil kung minamalas ka..'yang pag-ibig na yan pa ang magdudulot sa'yo ng matinding sakit..
Sakit na hindi mo alam kung kelan matatapos..dahil sa tuwing mararamdaman mo ang pagmamahal mo sa taong nanakit at nang-iwan sa'yo..dun mo mararamdaman ang sakit na dulot nito? ano raw??
Talaga nga naman..ang buhay ay sadyang napakamapanuya di ba?!Kung sino pa ang pinili mong mahalin ng paulit ulit.. sya pa yung mang-iiwan sa'yo sa panahong kailangan mo ng makakasama.. sa panahong kailangan mo ng taong makakaintindi sa'yo..
Ang taong nangakong hindi ka kailanman sasaktan at iiwan..Ang taong lubos mong pinagkatiwalaan ng buhay at pagmamahal mo..
Yun pala sa huli bibitawan ka rin nya sa paraang hindi mo inaakala...
So..paano nga ba masasabi na ok na talaga ang isang katulad ko??
Kapag ba wala na sa utak mo ang katangahan na tapusin ang buhay mo dahil tingin mo yun rin ang katapusan ng lahat ng sakit na dulot ng pag-ibig mo??
Kapag ba hindi ka na umiiyak ng balde baldeng luha?? Yung tipong wala ng maipapatak ang mata mo??
Kapag ba tapos ka na magemote sa mga kaibigan mo na sawa na rin makinig sa kwento mong paulit ulit lang naman??
Kapag ba nakakatulog ka na ng mahimbing sa gabi o hindi ka na bigla biglang magigising sa gabi para magemote mag-isa??
Kapag ba hindi mo na kinakausap ang sarili mo sa harap ng salamin..dahil sa sobrang dami mong tanong na hindi mabigyan ng sagot eh pinagtiyagaan mo na lang kausapin ang sarili mo??
Kapag ba hindi ka na natutulala kapag nakasakay ka ng tricycle..ng jeep..o ng bus..para magmumuni-muni nanaman ng "what ifs"??
Kapag ba hindi ka na nagpopost ng malulungkot na status mo sa facebook..o sa twitter..o tapos ka na rin magemote sa blog kagaya ng ginagawa ko?? :)
O pwede rin naman na ang pictures mo na ipopost sa instagram ay kung gaano ka kasaya sa buhay mo na wala na siya??
Kapag ba pagod ka na mgstalk sa ex mo at sa pinalit nya sa'yo..dahil maiisip mong bakit pa..sayang lang ang oras mo sa kanila? pero tempting aminin??
Kapag nagpalit ka na ng number mo at bnlock mo na siya sa facebook at lahat ng mutual friends mo na walang kinalaman dinamay mo na rin??
Kapag ba ayaw mo ng magbasa ng blog..articles..video sa youtube ng "how to get my ex back?" dahil natauhan ka na..at narealize mo na..oo tanga ka talaga para balakin pa yan..
Kapag ba nakakain ka na ulit ng marami na dati isang kucharang kanin hindi mo pa malunok??
Kapag ba sawa ka na sa lasa ng alak? at naisip mo na wala rin naman mangyayari sa paglalasing mo dahil hindi naman nawawala ang sakit at nauubusan ka lang ng pera.. (pero hindi ko yan ginawa ha..defensive noh?)
Kapag ba tinanggal mo na rin ang playlist mong "Move on songs"?? at puro masasayang kanta na lang ang gusto mong marinig kasi pag nakarinig ka nanaman ng malungkot na kanta masasabi mong nakarelate ka nanaman??
Kapag ba lumalabas ka na ulit kasama ang mga kaibigan mo kasi ayaw mo ng magmukmok sa kwarto mag-isa??
Kapag ba hindi ka na nakikinig kay Papa Jack..kasi nga iniisip mo dati na palagi kang makakarelate sa lahat ng caller nya??
Kapag ba nakakangiti o nakakatawa ka na kasama ang mga kaibigan mo o kahit mag-isa ka lang??
Kapag ba hindi ka na nanunuod ng mga lovestory na ang kwento ay tungkol sa mga lovers na nagkahiwalay at nagkabalikan sa ending??
Kapag ba kaya mo ng tignan ang mga pictures at loveletters nyo nuon na hindi ka nasasaktan?? o kaya naitapon/nasunog mo na lahat ng bagay na bigay nya sa'yo at bagay na magpapaalala ng tamis ng pagmamahalan nyo nuon??
Kapag ba sinisimulan mo na ulit makipagdate sa iba?? At sinsabi mo ng paulit ulit sa sarili mo na "There are plenty of fish in the sea"??
Kapag ba lahat ng kantang pang move-on sa videoke eh nakanta mo na?? at dahil naubusan ka na nga ng kakantahin eh dapat maubos na rin ang sakit na nasa puso mo??
Kapag ba hindi ka na mapait kaysa sa ampalayang ulam namin kahapon??
Kapag may kaibigan kang nagkwento kung gaano kasaya ang lovestory nila at hindi ka affected kasi ikaw single??
Kapag yung Bff mo ikakasal na five days from now at hindi mo maiisip na napag-iwanan ka na nila?? Oo halos lahat ng tropa mo may anak na..ikaw na lang ang wala..
Kapag ba hindi ka naiinggit sa mga HS friends mo na single nuon at ngayon ay may masasayang lovelife at ikaw kakabreak nyo lang??
Kapag ba hindi mo na isinusumpang nakilala mo siya?? dahil napasaya ka rin naman nya di ba??
Kapag ba out of the blue nag paramadam sya sa text at dinedma mo na lang siya? Wow..ang galing mo!!
Oo ang galing mo! Napaniwala mo sila..pero hindi si AKO! Kaya mong dayain ang lahat pero hindi si AKO!
Kaya pwede ba kayo na lang ang sumagot??
Paano nga ba malalaman na ok na si AKO??!! Kasi alam ko minsan dumaan rin kayo sa pagiging si AKO...
Ang tugon nyo ay lubos na ipagpapasalamat ni AKO... :)