Wednesday, March 12, 2014

Text Message..

Abala ako kanina sa pag-aayos ng mga gamit ko..yung mga gamit na kinuha pa namin ng kapatid ko mula sa apartment ko sa Makati..
Katulong ko ang kasambahay namin na isa-isahin ang bawat bag at kahon..
Iniwan ko sandali ang cellphone ko..
Makalipas ang kalahating oras at halos matatapos na kami ng tinignan ko ang cellphone ko..
May nagtext.. nagulat talaga ako.. hindi ko inaasahan na magpaparamdam pa sya..
Maiksi lang ang mensahe nya pero pinag-iisipan ko talaga bakit pa sya nagtext? dahil ba naka tatlong buwan na mula ng huli kaming magkita?
Hindi ko talaga maintindihan? Bakit kung kaylan nagsisismula na akong baguhin ang direksyon ng buhay ko bigla na lang sya magpaparamdam? Kung kelan nya lang gusto..
Hindi ko talaga maunawaan kung ano ang tumatakbo sa utak nya..
Marahil gusto lang nyang malaman kung magpapaapekto pa ako sa kanya..
Makasarili sya...yun lang ang alam ko..ni hindi nya ako binigyan ng paliwanag nung mga panahong kailangan ko ng sagot.. at ngayon na hinayaan ko na lang ang lahat dun naman sya magpaparamdam? Para ano?
Para saktan at kunin ang tiwala ko?
Kung pagkakaibigan ang pakay nya..hindi pa ngayon...
Hindi pa ako handa...
Bakit ba?? Isang simpleng text lang naman yun...bakit ba ako papaapekto?!
Isa lang ang malinaw..iniwan nya ako..

No comments:

Post a Comment

Reviews