Ang sarap magmahal.. lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal na mahal mo..
Yung pareho nyong sinasambit ang salitang "Mahal na mahal kita.."
Yung ipapangako nyo sa isa't isa na "Hinding hindi kita iiwan.."
Yung inaantay nyo na lang yung pagharap nyo sa altar para sumumpa kay GOD at sabihin ang "I do" kasunod nito ang vows nyo na.. "to have and to hold..from this day forward..for better or for worse..for richer for poorer..in sickness and in health..to love and to cherish.. till death do us part"
Haaaaay..ang sarap isipin noh?
Pero hindi nga kasi lahat ng lovestory ay may happy ending..ganun pa man naniniwala ako na ang true love walang katapusan.. :)
Kung mahal mo ipaglaban mo..Tama! Kaya lang minsan kasi hindi nasusukat ang pagmamahal sa pagpaparamdam mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal..sa pagpapakita mo kung gaano mo pinahahalagahan ang isang katulad nya sa buhay mo..kung paano mo sya tinanggap bilang isang taong ninanais mong makasama hanggang sa pagtanda mo..dahil hindi sapat na ikaw lang ang may gusto nito..
Masakit man pero may pagkakataong kailangan mong matutunang magparaya..dahil ang taong minamahal mo ay hindi na masaya sa piling mo..o dahil hindi lang talaga ito ang tamang panahon para sa inyo..at dahil mas masasaktan ka lang kapag patuloy mo pa syang hahawakan..
Mahirap talaga ang magparaya pero kung ito ang mas makakabuti para sa inyo..gawin mo..dahil kagaya nga ng sinabi ko isa rin itong paraan para maipakita mo ang pagmamahal mo... isipin mo na lang na hindi mo sya pag-aari kaya anu mang oras pwede talaga syang mawala sa'yo.. at huwag ka ring magtanim ng sama ng loob dahil ang tunay na nagmamahal ay hindi makasarili.. Ang totoong nagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit.. Yung kuntento ka na lang na makita siyang masaya sa piling ng taong mas makakapagpasaya sa kanya..
Ang daling sabihin di ba? Pero ano ba ang mas mahirap ang patuloy mong mahalin ang taong hindi ka na minamahal o ang magparaya ka at palayain rin ang sarili mo?! Oo..kasabay ng pagpaparaya mo ang pagbibigay mo sa sarili mo ng kalayaan at pagkakataong makakilala ng taong handang suklian ang pagmamahal mo.. :)
No comments:
Post a Comment