Single nanaman ba ang status mo??
Mag-kaiba raw ang lalake at babae kung paano mag-isip..makaramdam at humarap sa pagkasawi sa pag-ibig o pagkawala ng taong mahal nila pero ang bottom line..ang sakit! Oo..ang sakit sakit..
Para sa mga taong nakipagbrake..naiwan at nasaktan..o namatayan man..ang pagbangon o ang pagsisimula ulit ang pinaka mahirap na pagsubok...lalo na kung hindi mo naman inaasahan o ni hindi mo nga na-imagine...
Yung puso mo parang nadudurog habang umiiyak ka dahil sa sobrang kalungkutan at sa dami ng gumugulo sa isip mo..Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo mo dahil wala kang magawa kasi hindi mo na pwedeng baguhin ang lahat lahat.. Ang oras ay tila bang napakatagal lumipas..ang tingin mo sa paligid parang walang kulay at pakiramdam mo may kulang..
Ang bawat araw na daraan ay parang isang pakikipaglaban sa gyera..na alam mong sa huli talo ka kasi at the end of the day matutulog kang may luha sa mga mata...at darating ang panahon na manhid ka na..pero kapag naramdaman mo nanaman na may kulang..ayan masasaktan ka nanaman..magmumukmok at iiyak..at iisipin na ang buhay mo ay hindi muling babalik sa dati..
Ngutin darating ang pagkakataon na tapos ka na sa kakaemote mo.. Sa isip at puso mo..ay unti-unti mong tatanggapin ang lahat at palalayain ang sarili mo sa bagay na alaman mo naman na hindi mo mababago...
Sa panahong ito kailangan mo ng masasandalan gaya ng kaibigan...pamilya at lalong lalo na si GOD..
Okay lang na umiyak ka ng balde balde..magwala ka kung gusto mo..magpakalasing ka..Pero huwag kang humanap ka agad ng kapalit nya..kasi hindi naman basta-basta mawawala ang sakit..
Maaring galit ka pero kailangan mo ring magpatawad..lalo na sa iyong sarili kung sa tingin mo ay mayroon kang naging pagkukulang...
Walang formula sa pag move-on..walang ring fast forward or time-line..hindi ito naituro sa school..at lalong walang exam or practice para dito..
Hindi ito kung paano makalimot kundi kung paano tumanggap..
Ang pag move-on ay isang proseso na kailangan mong pagdaan..kailangan mong harapin para makapag simula ulit..kailangan mo ng panahon upang mabuo ulit...
Tulad ng isang sugat na hindi gagaling sa isang iglap..pero alam mong darating ang panahon na ito ay maghihilom..at mag-iiwan ito ng marka na magpapaalala sa'yo na minsan ikaw ay nadapa at nasugatan...ang mahalaga mayroon kang natutunan sa iyong pagkakadapa..at sa muli mong pagbangon mas matibay at matapang ka na..
Alam ko mahirap magsimula ulit..pero kailangan mong tumayo at harapin ang mundo..tiwala lang..
May plano si God para sa'yo kapit ka lang sa kanya!! :)
PS: Hindi ako eksperto sa pag-ibig pero marami pa akong gustong sabihin siguro sa susunod na lang...sana maiapply ko rin tong pinagsasabi ko sa sarili ko...haha...
No comments:
Post a Comment