Wednesday, February 5, 2014

Sino ako?? Ang hindi alam ng marami..

Una sa lahat gusto kong sabihin na.. Isusulat ko lahat ng nilalaman ng puso at kung ano ang nasa isip ko..
Isang sulat na magsisilbing paalala sa akin..sa lahat ng bagay na mahirap gawin at maintindihan.. Kung ito ang paraan para gumaan ang pakiramdam ko sa lahat lahat ng masasakit..sa problemang hindi ko mabigyan ng solusyon at sa mga bagay na mahirap pero dapat kong tanggapin..

Marami na ang nangyari sa buhay ko.. May magaganda at meron ding panget..Yung mga pangyayari na hindi mo inaasahan, na ito pala ang magbabago sa akin at sa kung ano ako ngayon...

Sino nga ba ako?! Kung iisipin at susuriin ko ang sarili ko ngayon ay masasabi kong malayo sa kung ano ako dati.. Pero sadyang ganun naman talaga ang buhay db? Lahat nagbabago at walang permanente.. Kaya ilalarawan ko kung ano sa tingin ko ang dating KRISTINE na kilala ko..

Ako yung tipo ng tao na gusto ko lahat ng nasa paligid ko ay masaya..kasi masayahin akong tao.. Gusto ko mapapangiti ko ang bawat taong makikilala ko.. hindi naman lahat.. yung mga taong magiging parte ng buhay ko..

Pagdating sa karunungan..hindi ko masasabing matalino ako o napakahusay sa pag-aaral.. pero marami akong pangarap sa buhay.. Mataas akong mangarap.. at kung minsan nga napagsasabihan pa ako ng Mama ko dahil masyado raw akong mataas mangarap.. Pero kasi di ba? (ano raw?) Mangangarap ka yung mataas na..dahil isa ito sa libreng bagay na masarap isipin.. :) Basta ang alam ko.. Ilagay mo sa puso mo ang mga pangarap na ito at samahan mo ng gawa.. Walang imposible.. Lalo na kung hindi ka makakalimot kay GOD.. sya kasi ang unang mamakatulong sa'yo at syempre ang sarili mo..

I'm a confident woman.. para sa akin kasi ito ang magdadala sa'yo kapag marami kang kaharap na tao.. Be proud kung anong meron ka.. :)

I love challenges..kasi for me dito nasusukat ang kakayahan mo at kung ano ang kaya mong maibigay.. It will makes you up who you are in the future.. Challenges will make you grow and let you realize what you're capable of doing..

Dahil sa mahilig ako sa challenges..alam kong matapang ako..Hindi ko hahayaan na maagrabyado ako at ang taong mahal ko at mahalaga sa akin.. as long as nasa tama ako..ipaglalaban ko..

At dahil sa katapangan na ito..minsan at aaminin kong nagiging matigas ang ulo ko.. Pakiramdam ko kasi ako ang nasa tama kaya dapat ako ang masunod..at pagpipilitan ko kahit minsan ako na pala yung mali..pero syempre marunong naman akong tumggap ng pagkakamali..

Gusto ko yung palagi akong may kasama...may makakausap..may kapalitan ng opinyon kasi naniniwala ako na magkakaiba ang tao...sa pakikisalamuha sa kanila ay marami akong matututunan.. Gusto ko rin kasi na mayroon akong kasama lalo na kapag Masaya ako..kasi gusto ko may kasalo ako sa magagandang pangyayari sa buhay ko.. pero syempre gusto ko rin may kasama ako sa oras ng kagipitan.. at puno ng bagabag.. Katulad ngayon (sapat na ang papel at ballpen na hawak ko kasi wala naman akong choice..)

Hindi  ko masasabing napakabuti kong tao dahil sa totoo lang ang dami kong kapalpakan na nagawa sa buhay ko...mga desisyon na mali..mga bagay na nakasakit ako sa iba..siguro nga may pagka makasarili ako..pero hinahangad kong mapabuti lahat ng taong minamahal ko...dahil mahalaga sila sa akin..

I'm optimistic person..oo dapat palaging "Think Positive"..Kasi kung sa una pa lang may takot ka na...at negative na ang iniisip mo..paano na db? Kaya ganun ako..If hindi man mangyari ang ineexpect natin.. may dahilan at siguradong may next time pa naman.. Pero syempre always make the most out of it..Live you life to the fullest and give your best shot!

Mahilig ako sa ARTs...Musika..isa kasi itong paraan kung paano mo maeexpress ang nasa puso mo at kung ano ka..

I FEAR GOD..alam kong hindi nya ako bibiguin...kahit napakaraming beses ko na syang binigo.. Kahit na matigas ang ulo ko..alam ko na lahat tayo ay hindi nya pababayaan...kaya huwag tayong makakalimot sa kanya..

I belive that best things in life are free.. kagaya ng LOVE..pagmamahal ng magulang sa kanyang anak..or ng pagmamahal ng taong Mahal mo.. Ang yakap ng kaibigan.. yung oras na ibinabahagi ng taong mahalaga sa'yo at pinahahalagahan mo..

(Sinulat ko nung August 31 2013)



No comments:

Post a Comment

Reviews