Tuesday, September 8, 2015

Tag-ulan..

Panahon na naman ng tag-ulan..
Andyan na naman ang biglang buhos ng malakas na ulan..ang nakakabingi't nakakatakot na kulog at kidlat..ang nakakainis na baha..at ang mas nakakatakot...ang bagyo na maaring makapinsala sa marami kung hindi tayo magiging handa...

Ayaw ko ng ulan...hindi dahil takot ako sa tubig... :D
Ito ang mga dahilan kung bakit hindi ko trip ang ulan...Unang una ang hirap lumabas  ng bahay pag umuulan..ang hirap gumala..di ba? wala naman akong sarili kong sasakyan..kaya no choice kundi magcommute at gumamit ng payong..
May mga bagay na hindi mo magagawa kapag umuulan..katulad ng magjogging..mag stroll gamit ang motor..mag swimming sa beach..(sabagay bakit mo ba iisiping magswimming eh tag-ulan nga..)
Hindi ko alam kung katulad nyo ako..kasi ako ayaw kong mabasa ang mga paa ko..lalo na mababad sa baha..
Katulad ng nauna kong sinabi na kailangan mong magpayong..tamad akong magbitbit nito ang ending eh mababasa ka pa rin naman.. (buntong hininga)
Papasok ka ng opisina na basa at lamig na lamig sa aircon...

Pero nung bata pa ako gustong gusto kong naliligo sa ulan..nagtatampisaw..hindi alintana ang putik sa mga paa ko..may mga pagkakataong titingin ako sa langit at iisipin na..."ang galing!" "gaano kaya katagal naglalakbay ang ulan bago pumatak sa lupa?" "paano kaya nabubuo ang ulan?" kasabay ang pag-ipon sa aking mga palad ang bawat patak nito..

Talagang ang sarap matulog sa malambot na kama...sa ilalim ng makapal na kumot..dahil sa lamig na hatid ng ulan...Parang hinihila ka ng kama kaya ang hirap bumangon..
Pwede ka ring mag food trip..ang sarap kumain ng champorado at tuyo..o humigop ng mainit na sabaw gaya ng lugaw goto at sopas..at ang paburito kong pares! :)
Isa pa sa naalala ko nung nag-aaral pa ako ay ang pag aabang ko sa anunsyo sa tv na suspended ang klase..halos lahat naman ata dumaan sa ganun..di ba?
Masarap mag-movie marathon lalo na yung mga nakakatakot na movie tapos biglang mawawalan ng ilaw...at pag walang ilaw nung bata pa ako...trip namin ng mga pinsan ko ang mag taguan..
Ilan lang yan sa mga bagay na gusto kong gawin tuwing umuulan..

Kayo ano ang masasabi nyo sa ulan??
Nga pala paalala maging handa sa ulan..ihanda ang kapote..payong..jacket..extrang damit..bota..tsinelas.. at kung ano ano pa..alam nyo na yan malalaki na kayo..
:)







1 comment:

  1. If you are trying to BUY bitcoins online, Paxful is the ultimate source for bitcoins as it allows buying bitcoins by 100's of payment methods, such as Western Union, MoneyGram, PayPal, Visa, MasterCard, American Express and they even allow converting your gift cards for bitcoins.

    ReplyDelete

Reviews